Thoughts and Learnings of Life

Maputi ang ina nila!

Sa tinagal-tagal ng aking pag-akag sa aking isang nakakatandang kaibigan na kami ay magkaron ng kaunting kasiyahan, biglaan lamang pala ang magbibigay daan para matupad ang isang munting kahilingan.Pasalamat ko na lang sa mga nagbigay init ulo sakanya. Ngunit, asar ko na lang sa pagiging menor nila sa kabila ng pagiging “bulbulin” nila.

Ako man ay nagulat sa mga nangyari. Inakag ko siya kasama ng isa pang kasama sa Pioneer ngunit ayaw naman nila pagkat malayo daw. Ngunit hindi ba’t ang Puti sa timog ay di hamak na mas malayo? Pero ayos na rin mas malapit nga naman sa amin.

Nung una, ang gusto namin ay isang tahimik na lugar para sa isang masayang huntahan pero napadpad kami sa isang lugar na “medyo tahimik” lang. Iba ata ang kahulugan ng tahimik para sa mga serbidor ng bar na yaon.

Masaya ang kinalabasan pagka’t lahat ay nagkalabasan. Sabi ko na, sa bote mo makikilala ang mga taong iyong parating kasama. Kahit sa mga panahon na yaon ay kakaunti na lamang ang natitira sa aking ulirat, marami pa rin akong natutunan bilang pinaka-bata sa lahat. Nakapag-bahagi din naman kahit kaunting karanasan at mga natutunan sa buhay. Kaunti lamang pagka’t wala naman akong gaanong ma-alala sa aking mga karanasan. Napakalayo pa talaga ng aking lalakbayin. Ngunit, alam kong hindi ko mararating ang kung anong meron sila ngayon pagka’t panigurado ako, iba ang aking mararating.

Masayang natapos ang sesyon sa isang kakatwang pagkanta kasama ng isa pang kaibigan at paniguro ko, kantang lasing na naman ang aking na-ihandog sa kanila. Sana’y maulit muli ang masayang pangyayaring ito. Hiling ko lang, sana kasama na ang iba pang kabarkada sa opisina.

Advertisements

2 responses

  1. nate

    sa muli!…maraming marami pang beses na mangyayari ang ganitong kasiyahan…tayong tatlo man lang o kasama ang iba, malamang masayang-masaya pa rin basta’t ang kuwentuhan at kalokohan ay di tungkol sa sinuman.

    09/15/2010 at 12:21 pm

  2. Kampay!!!

    09/20/2010 at 11:16 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s